
Ay ang munting pagsalarawan ng lahat
Mga salitang inipon na kaunting hawig
Sa matinding sakit na nararamdaman ko
Ang pagguhit sa naglaho kong pag-asa
Ay ang pasakit at kaligayahang
Iyong mararamdaman sa pag-ulit ng pluma
Kong putol na at ang pagpinta ng kahapon
Tulad ng mga luha kong dumadaloy sa pisngi
Ay nagiging bukid ng aking paghahanap
Dahil doon kita pinitas sa maitim
Na ulap at nanangis na kulog at kidlat
Na bunga ng aking pagbulay-bulay
Bagyo na pumailalim at lumikot sa aking damdamin
Tulad ng babaeng magsisilang ng sanggol naramdaman ang sakit
Doon sa pugad na pinamamahayan ng aking mga panaginip
Umusbong ang pagibig na hamak, dahil kulang sa pluma
Sa pagtangis ng langit dala ng sama ng panahon
Pumalaot ako sakay sa sasakyan ng buhay
Umaasang magkaroon ng pag-asa na dumaong sa baybayin
Ngunit ipinadpad sa mga malulupit na alon sa pulo ng mga inaayawan
Ang araw ay nakasuot ng isang damit ng kadiliman
Duon sa kubo, nagiisa akong nagmumunimuni sa mga nagdaang taon
Habang pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan
Lumitaw ang liwanag ng buwan nahugasan ang dilim ng gabi
Ngunit nabuhay ang pag-asa ng pusong sugatan
Na naghihirap at nagtitiis sa parusa ng mga mandaraya
Mga paa'y itinatayo at inilakad sa daang matinik
Lumakad palayo sa lugar ng isang taksil at huwad
Upang mamuhay ng tahimik malayo sa kuko ng kadiliman

