
Ako, di mo na inuusal ang paghanga mo sakin
Mabuti pa ang bituin, tinatanaw mo
Ako, ni minsan di man lang masulyapan
Mabuti pa ang aso hinahalikan mo
Ako, wala kahit palipad-halik
Mabuti pa ang cell phone lagi mong tangan
Ako, di man lang maipagbitbit ng gamit
Mabuti pa ang laptop lagi mong kaharap
Ako, di mo man lang maharap
Mabuti pa ang TV pinapanuod mo ang palabas
Ako, di mo man lang tinitingnan kapag dumaan sa harap mo
Mabuti pa ang sasabungin kayakap mo
Ako, kahit panay pa-charming ko di mo na niyayakap
Mabuti pa ang pusa nilalambing mo
Ako, di mo man lang malambing
Mabuti pa ang bulaklak inaamoy mo
Ako, kahit amoy bagong paligo dedma ka!
Mabuti pa ang mga halaman dinidiligan mo
Ako, kulang na sa dilig!

