Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Sa mga nagdaang mga araw, marami din akong mga ginagawa at talagang naging abala ako pero labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa palagian Niyang pagbibigay sa akin nang lakas kung kaya ngayon, nandito na uli ako upang magbahagi ng aking topic review o aking mga repleksyon tungkol sa isang featured topic dito sa community.
Labis din ang aking pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin unang una na dito ang ating buhay na Dios sa walang sawang pagmamahal sa akin, at pati ma rin sa lahat ng mga curators at community admin sa walang sawang pagsuporta sa lahat ng akin mga blog posts.
Sa araw na ito, ang aking ibabahagi ay ang aking topic review tungkol sa topic na "Galit na nasa puso, papaano maaalis?"
Bilang isang tao na nabubuhay pa sa mundong ito, hinding hindi natin maaalis ang ating mga natural na pagkatao o ating mga ugali na hindi nakakapagbigay papuri sa Dios at isa nga nito ay ang "Galit".
Isang natural na sa tao ang magalit dahil tayo ay hindi perpekto tanging ang Dios lang ang perpekto, kung kaya minsan nga tayo ay magagalit bunga na rin sa marahil sa mga taong nakagawa ng hindi magaganda sa atin. Pero sa tanong paano maaalis ang galit sa puso? Ito ay ating alamin sa mga natutunan ko dito sa pag-aaral dito.
Tanging paraan upang maalis ang galit sa ating mga puso ay kung meron tayong Dios sa ating mga buhay. Tanggapin natin at ating ipanahan ang Dios sa ating buhay upang tayo ay Kanyang tulongan para makapagpatawad ng mga taong naging dahilan ng mga galit sa ating puso.
|
---|
Ating e acknowledge at ipanahan natin ang Dios sa ating mga puso at ang Kanyang mga Salita. Ayon pa sa Salita ng Dios na, kung tayo ay magpapatawad sa mga taong nakagawa ng hindi maganda sa atin tayo ay Kanyang patatawarin at kung hindi tayo magpapatawad, hindi rin tayo patatawarin ng Dios.
Isa lamang ang ibig sabihin nito, upang maalis ang galit sa ating mga puso, ang pagpapatawad sa mga tao ang tanging makakapag-alis nito at ito rin ang turo ng Dios sa atin.
Marahil maraminng magsasabi na mahirap itonh gawin dahil nga sa tao lamang tayo pero kung meron tayong Dios at ipanahan natin Siya sa ating mga puso at ang Kanyang mga Salita, tayong Kanyang tutulongan para makapagpatawad.
Ayaw naman natin siguro na darating ang panahon na hindi tayo patatawarin ng Dios dahil hindi tayo nakakapagpapatawad lalong lalo na kung ito rin ay pweding patawarin ng Dios. Kung ang Dios nga na walang kasalanan nakakapagpapatawad, tayo pa kaya na makasalanan hindi makakapagpapatawad.
Para sa aking huling repleksyon tungkol sa topic na ito. Marami talaga akong natutunan na maari ko ring ma apply sa aking sarili lalong lalo na kung minsan hindi talaga maiiwang merong mga taong nakakagawa sa akin ng hindi maganda.
Kung kaya ang topic na ito ay talagang nagpapaalala sa akin na magpatawad ako sa lahat ng mga taong nakagawa ng hindi maganda sa akin upang ako ay patawarin din ng Dios sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan sa Kanya.
Isa itong paalala din sa akin na hindi ako dapat magkimkim ng galit sa puso dahil hindi ito ang gusto ng Dios para sa akin. Malaki talaga ang aking pasasalamat sa Dios sa topic na ito dahil maraming aral na aking natutunan na magagamit ko talaga sa aking sariling pamumuhay sa mundong ito.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Galit na nasa puso, papaano maaalis?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.