Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Medyo matagal-tagal na rin noong huling topic review o repleksyun sa isa sa topic na na feature dito sa community dahil medyo naging abala talaga ako sa ibang mga importanteng mga bagay. Pero paminsan minsan din naman ay nagbabasa ako dito sa mga featured topic at marami talaga akong natutunan lalong lalo na sa Salita ng Dios.
Nagpapasalamat din ako kay Bro. @hiro sa palagiang pagpaa-alala sa akin kung maari akong magbigay ng topic review o repleksyun sa mga nabahaging mga topics, kung kaya nandito na uli ako at magbabahagi ng aking panibagong topic review o repleksyun sa topic na "Paggawa ng Mabuti sa Magulang".
Isa ngang napakagandang topic ang ating tatalakayin dahil ito ay pang personal talaga na dapat nating malaman at maintindihan. Bilang isang anak isa itong magandang paalala sa atin.
Hindi tayo magkakaroon ng buhay kung wala ang ating mga magulang dahil sila ang mga ginamit ng Dios upang tayo ay mapanganak at mabuhay sa mundong ito.
Kung tayo ay tatanungin kung dapat bang gumawa tayo ng mabuti sa ating mga magulang, ang tanging sagut dyan ay Oo. Isang malaking utang na loob natin sa kanila na tayo ay inalagaan at binuhay nila mula noong tayo ay ipinanganak hanggang sa tayo ay nagka-isip na.
|
---|
Sa dinamirami nating taong nakakasalamuha sa mundong ito, mga taong iba't iba ang mga ugali at mga paraan ng pamumuhay, ayon sa Salita ng Dios, kung merong pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat lalong lalo na sa mga kasama natin sa pananampalaya.
Ibig sabihin nito ay, tayo nga ay gusto ng Dios na gumawa ng mabuti sa ibang tao o sa lahat ng mga taong nakakasalamuha natin, kung kaya mas gumawa pa tayo ng mabuti sa ating mga magulang dahil sa lahat ng kanilang ginawa sa atin mula noon hanggang ngayon.
|
---|
Meron din namang mga pagkakataon meron tayong mga kagalit o mga hindi pagkakaonawaan at maging sa kanila ay kailangang tayo gumawa sa kanila ng mabuti ng buong puso dahil merong magandang kapalit na ating matatanggap mula sa Dios, tayong magiging anak ng Dios.
Kahit na nga ang Dios ay gumawa ng magagandang bagay kahit na sa mga taong masasama, kung kaya tayo rin ay dapat na gumawa ng mabuti, lalong lalo na sa ating mga magulang kahit na paminsanminsan ay nakakagawa sila ng hindi maganda sa atin.
Maraming ngang mga pangyayari na nakakagawa ng hindi maganda ang ating mga magulang pero hindi ito dahilan upang hindi tayo gumawa ng mabuti sa kanila.
Unang una sa lahat walang wala tayo kung wala ang ating mga magulang dahil kung sa una pa lang, hindi na tayo inalagaan at pinalaki hindi rin tayo mabubuhay. Kung kaya, bagamat hindi maganda ang kanilang ginagawa sa atin, panatilihin pa rin nating maging mabuti sa kanila bilang utang ba loob sa kanila.
Para sa pang huling masasabi ko tungkol sa topic na ito, masasabi ko na dapat nating pangalagaan ang ating mga magulang dahil sila ang tulay para mabuhay sa mundo, nag alaga noong bata pa tayo, nagpakain at nagpa bihis sa atin at nagbigay ng ating pangangailangan hanggang sa ating pag-aaral.
Kung kaya para sa akin kahit na anong mangyari hinding hindi ko pababayaan ang aking magulang lalong lalo na sa aking ina dahil siya na lang ang natira sa akin.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Paggawa ng Mabuti sa Magulang", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.