Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Masaya akong nandito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon o topic review tungkol sa isa na namang napaka gandang topic na masasabi kong malaking tulong sa atin.
Ang aking pagbibigyang repleksyon o topic review ay merong pamagat na, "Pagpapakain at Pagpapainom sa Nangangailangan ano ang Pakinabang".
Dito sa mundong ating ginagalawan, marami talagang mga taong nahihirapan dahil na rin sa hirap ng buhay at hindi natin ito maiiwasan. Kung aking bigyang halimbawa dito sa amin marami talagang mga taong hikaos sa buhay at nangangailangan ng tulong.
Kung kaya, kapag tayo ay nagpapakita ng awa at tulong sa kanila, hindi mababaliwa ang lahat dahil meron tayong ganti na makakamit mula sa Dios.
|
---|
Ano ngaba ang ganting ating makakamit kapag tayong buong pusong tumutulong sa mga nangangailangan, pinapakain at pinapa inom sila sa ngalan ni Kristo. Ayon sa Kanyang salita sa Mateo 25:34, ang ganting ating makakamit ay ang kahariang nakahanda para sa atin.
Ang pagtulong sa ating kapwa o sa mga nangangailangan ay malaking bagay na para sa iba dahil hindi lang ang tao ang ating pinapasaya kundi higit pa nating pinapasaya ang Dios sa ating mga ginagawa.
Isang paalaala din ito na bagamat maraming mga taong hindi nakapakinig sa mga Salita ng Dios o ng hindi pa nakatanggap sa Dios, meron pa ring kaligtasan para sa kanila kung sila ay buong pusong tumutulong sa mga nangangailan.
|
---|
Ang pakinabang ng pagpapakain at pagpapainom sa mga nangangailan ay maging paraan ito upang tayo ay maligtas kahit na wala tayong narinig na Salita ng Dios o ng ebanghilyo kung gumagawa tayo ng kautusang nasusulat sa ating mga puso.
Ang nga gawaing ito, ay ang pagpapakita ng awa, pagmamahal at tulong kahit na walang ano mang kapalit at ito ay bukal sa ating mga puso.
Para sa aking huling repleksyon o pang huli kung masasabi tungkol sa topic na ito. Tama namang maraming tao talaga ang naghihirap lalong lalo na dito sa ating bansa kung kaya malaking tulong kung tayo mismo ay magpapakita ng awa at pagmamahal sa kanila, dahil hindi masasawalang bahala ang lahat, merong ganting galing sa Dios na ating matatanggap.
Isang malaking paalalan din ito na bagamat marami pa ring taong nakakakilala sa Dios o nakarinig man lang sa Kanyang Salita, meron paraan pa rin na tayo ay maligtas kung tayo ay tumulong sa nangangailangan bunga ng mga kautusang nasusulat sa ating mga puso. Ang pag tulong sa iba ay isang mahalagang paraan ng ating kaligtasan kahit hindi natin kilala ang Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagpapakain at Pagpapainom sa Nangangailangan ano ang Pakinabang", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.