Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Masaya na naman akong magbahagi ng panibagong repleksyon o aking topic review sa araw na ito, at ito ay patungkol sa isang maiksi pero makabulohang topic na dapat natin malaman. Ito ay may pamagat na, "Walang Alam sa Kautusan, ano ang kaniyang Pag-asa?"
Ang topic nga na ito ay maiksi lang kung ating panunuorin sa video pero masasabi kong malaking impact ito para sa atin dahil ito ay nagtatalakay sa kung meron bang pag-asa ang mga tao kahit na hindi nila kilala o may alam sa Bibliya.
Marahil nga ay malaking palaisipan ito sa atin dahil para sa atin na meron nang alam sa Dios at sa Bibliya, makaka siguro na tayo na meron tayong pag-asa lalong lalo na kung ang ating pananampalataya ay sa Dios lamang. Subalit, paano na lang yong mga taong hindi kilala o walang alam sa Bibliya.
|
---|
Ano ngaba ang pag-asa ng mga taong walang kautusan? Ang tanging pag-asa nila ay kung sila ay gumawa ng mabuti.
Maraming mga tao o mga lugar dito sa mundo natin na hindi pa talaga nabahagihan ng mga Salita ng Dios sa Bibliya o hindi man lang nakarinig ng ebanghilyo.
Kung sakaling ang mga taong ito ay walang kahit na ano mang nalalaman sa Dios o mga kautusan ng Dios, ang paggawa ng mabuti, ay malaking tsansa na sila ay maligtas o pag-asa na maligtas.
Kung ang isang tao na parang ermetanyo lang na parang wala talagang alam sa kabihasnan subalit namumuhay na isinasapuso ang pag tulong at pamumuhay na parang nasa kautusan ng Dios, dito mayroon pa rin silang pag-asa.
Para sa aking pang huling repleksyon o aking topic review tungkol dito, isang maikli pero importanting impormasyon ang aking natutunan.
Hindi talaga natin sayangin ang pagkakataon na makilala at tanggapin natin ang Dios dahil dito makakasiguro tayo na meron tayong pag-asa dahil sa Dios.
Hindi din natin maiiwasang meron talagang mga taong walang alam sa Dios o hindi pa nababahagihan ng mga impormasyon tungkol sa Dios o sa Bibliya, pero dahil sa kanilang walang pagkaalam dito subalit namumuhay sila na mabuti at tumutulong sa kapwa, meron pa rin silang pag-asa. Kung kaya kahit wala o hindi sila kaanib sa isang Iglesia, meron pa rin silang pag-asa na maligtas, salamat sa Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Walang Alam sa Kautusan, ano ang kaniyang Pag-asa?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.