Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Masaya na naman akong nandirito uli sa Community na ito ay magbabahagi na naman ng aking panibagong Topic Review o mga repleksyon ko tungkol sa isa na namang featured topic na meron pamagat na "Ang Naaawa sa Dukha, Nagpapautang sa Panginoon".
Marami na naman nga akong natutunan sa pag-aaral na ito na aking magagamit habang nandito pa sa mundong ito at sa aking pamumuhay. Kaya labis ang aking pasasalamat unang una sa Dios at kasunod nito ang lahat ng mga sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon.
Hindi nga natin maikalailang maraming mga dukha o mahihirap na ating nakakasalamuha dito sa mundo. Marahil ay dala na rin ng kapalaran o bunga ng mga ginagawa nila sa buhay.
Kapag nakikita nga natin sila meron talagang kerot sa Puso lalo na kung nakikita natin silang nahihirapan. Meron ding mga pagkakataon na meron akong nakikitang mga tao kasama ang kanilang mga anak na naglalakad sa init ng araw, minsan talaga na masasabi ko sa aking sarili na mapalad pa akong hindi nahihirapan tulad nila, kaya labis ang aking pasasalamat sa Dios dito.
Ayon sa pagtuturo ni Bro. Eli Soriano na dapat tayo ay meron awa sa mga dukha. Masasabi ko rin na nagawa ko ang mga ito dahil meron din kaming mga mission lalong lalo na sa mga bundok tulad na lamang ng aming Feeding Mission for the Kids.
Ang layonin namin dito ay makapagbahagi ng mga pagkain lalong lalo na sa mga dukha na kahit sa munting paraan ay nakakatulong kami, at talagang nagpapasalamat ako sa Dios sa pagbigay Niya nito sa amin.
|
---|
Isang magandang paalala ang ibinahaging Salita ng Dios sa ating ni Bro. Eli, ito ay sa Kawikaan 19:17 na nagsasabing kung tayo ay naaawa sa dukha ay nagpapautang tayo sa Panginoon, at ano ngaba ang sabihin nito. Merong karogtong yan na kung tayo ay gumawa ng mabuti, babayaran din tayo, at sino ang magbabayad sa atin, ang nagkakautang sa atin at ito ay ang Dios.
Makakatiyak talaga tayo na hindi tayo babaliwalain ng Dios dahil sabi nga Siya ay nagkakautang sa atin. Kapag ang Dios ang may utang sa atin, hinding hindi Siya magsisinungaling.
|
---|
Mababasa natin ito sa Salita ng Dios sa Kawikaan 8:8 na ang mga salita na lumalabas sa Kanyang bibig ay matuwid at walang kahit na ano mang mga kasinungalingan kung kaya makakasiguro tayong babayaran o ibibigay ng Dios sa atin ang kabayaran sa tuwing tayo ay naaawa o tumutulong sa mga dukha.
Para naman sa aking pang huling repklesyon o mga natutunan sa mga pagtuturo ni Bro. Eli dito, masasabi ko na malaking paalala ito sa atin. Isang paalala sa atin na tayo dapat ay gumawa ng mabuti sa ating mga kapwa, lalong lalo na sa mga dukha.
Hindi lang dahil meron tayong inaabangang kabayaran dahil nagkakautang ang Dios sa atin kung hindi dahil tayo ay naaawa sa kanila at pati na rin sa ating pagmamahal sa Dios, dahil kung meron tayong pagmamahal sa Dios, kasunod na nito ang pagkaawa natin sa ating kapwa at sa lahat ng mga dukha.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang Naaawa sa Dukha, Nagpapautang sa Panginoon", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.