Agosto na naman.
Ang buwan ng Agosto ay isa sa aking mga paboritong buwan dahil ito ang buwan kung kailan ako pinanganak. Oo, medyo bias ako.
Ngunit, itong buwan na ito ay sinasabi ring ghost month sa kadahilanan na wala masyadong ganap. Ngunit, pagsapit ng Agosto, may isang selebrasyon ang tanging naaalala ko bukod sa aking kapanganakan (Syempre). Ito ay ang Buwan ng Wika.
Itong linggong ito, nag pahayag ng paligsahan ang @hiveph. Ang tema ng paligsahan na ito ay "Buwan ng Wika" Writing Contest Theme: What Value Can Filipinos Bring on Hive?
Nung una ay wala akong maisip na isusulat dahil ang utak ko ay magulo at walang pahinga dahil ang aking skedyul ay puno. Ninais ko lang na matulog at magpahinga, o hindi kaya ay gumuhit na lang. Hindi sa napilitan ako, pero ngayong linggo, napagtanto ko na sumali dahil gusto ko suportahan ang Hive PH ng buong puso.
Ano nga ba ang value ng isang Filipino na pwedeng dalhin sa Hive? Para sa akin, ang value na iyon ay ang pagiging matulungin. Ang mga Filipino talaga ay likas na matulungin. Halimbawa, kahit hindi ka pa lubos na kakilala, ay nariyan ang mga Filipino para tulungan ka.
Gusto ko mag kwento pa tungkol sa pagiging matulingin ng isang Filipino sa Hive.
Walang pagaalinlangang tumulong Nuong una kong salta sa Discord community ng HivePH, nagtanong ako kung paano ba gumawa ng isang account sa Hive. Walang pumapansin sa akin noong una, at inaasahan ko na iyon sa kadahilanan na baka abala ang lahat sa kanila mga kanya kanyang buhay. Subalit, may isang tao na sumagot sa aking mga katanungan at ito ay si @jude.villarta .
Sinikap niya na ako ay tulungan na gumawa ng Hive account. Ako ay medyo nahihiya noong panahon na iyon dahil pinaglalaanan ako ng panahon para lang matuto. Kahit hindi niya ako kilala ng lubos, tinulungan pa rin niya ako. Kahit lito pa ako noon, hindi niya ako pinabayaan intindihin ang proseso. Ang tulong na iyon ang nagbukas sa akin sa Hive.
Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagtulong sa akin at iyon din ang ibabalik ko sa Hive community. May mga pagkakataon na may nagtatanong sa akin sa mga bagay bagay patungkol sa Hive. Isa na dito ang akinbg NFT friend na si Owa. Siya ay isang NFT artist rin na katulad ko. Nagmensahe siya sa akin isang araw at nasabing gusto kumita ng dagdag kita para sa mga gastusin. Ang sabi ko kay sumama siya sa Hive PH community at doon ay tutulungan ko siya. Nasabi ko rin na dumalo siya sa onboarding webinar para mas maintindihan niya ang Hive nang lubos pa sa tulong ko sa kanya.
Sa buoan, ang pagiging matulungin ng mga Filipino ay likas na. Walang bahid ng pagdadalawang isip na ialok ang kamay. Minsan, inuuna pa natin ang iba bago ang sarili natin. Kahit ano pa ang kalagayan mo sa buhay, maginhawa man o hindi, nais mo pa rin tumulong sa kapwa mo. Ano mang unos ang dala ng buhay, sakuna, delubyo at iba pa, ang mga Filipino ay nariyan para tulungan ka.
Ayon lamang. Salamat sa pagbabasa. Maligayang Buwan ng Wika!
📸 All photos are owned and taken by me, otherwise credited. Banner edited on Canva ©️jijisaurart