
Image by satyatiwari from Pixabay.
Mga Alaala
Ang Mayo uno ang isa sa pinaka-tanyag na pista opisyal dito sa Pilipinas. Isa itong "Regular Holiday" at dahil dito ay makakatanggap ng buong suweldo (100% ng salary mo) ang mga empleyadong hindi papasok sa araw na ito. Kung ikaw naman ay pumasok sa araw na ito ay magkakatanggap ka ng doble ng iyong sahod (200%) para sa araw na ito. Masaya, di ba?

Karamihan sa mga empleyadong hindi pumapasok sa araw na ito ay pumupunta sa beach or sa mga out-of-town na biyahe para mamasyal at bumisita sa mga kaanak o kaibigan. Mayroon din naman na sumasama sa mga nagaganap na mga rally sa kalye na pinangungunahan ng malalaking mga unyon. Medyo nakaka-inis lang kapag naipit ka sa isang rally at magkaroon ng higanteng traffic jam sa kalsada.
Ngunit, bakit nga ba nagra-rally ang mga unyon sa araw na ito?
Traffic lang ba ito o malalim na pagdiriwang
Malaki ang kinalaman ng mga unyon sa pagkakaroon natin ng "double-pay" sa araw na ito. Sila po ang nagsulong na walong oras lang dapat mag-trabaho ang mga manggagawa sa loob ng isang araw, o 40-oras sa isang linggo. Bukod rito ay sila rin ang dahilan ng pagkakaroon pa ng maayos na kalagayan at maraming benepisyo na tinatamasa natin ngayon.
Saint Joseph The Worker

Ipinagdiriwang din ang araw na ito ng mga Katoliko sa buong mundo. Si San Jose, ang tatay ni Hesu Kristo, ay isang karpentero at ang simbolo ng manggagawa. Bilang isang ordinaryong tao, ginagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho at nakakatanggap ng tapat na sweldo kapalit ng magandang mga kasangkapan na ginagawa niya; isa siyang huwarang ama ng pamilya.
Isang ordinaryong karpentero ngunit hindi madalas nababanggit na may dugong-bughaw ang patron ng mga manggagawa bilang isang inapo ni Haring David.
Sa Wakas
Marami ang nagdiriwang sa araw na ito. Iba't-iba ang kalagayan at kondisyon sa buhay. At, iba't-iba rin ang paraan ng pagdiriwang. Marahil ay may ala-ala rin tayo ng isang nakakatawa o nakakainis na pagkakataon sa araw na ito: nag-outing kasama ng mga kaibigan, nakipag-date sa kasintahan, nakibahagi sa rally ng isang unyon, o nag-relax lang sa bahay at nakipag-bonding sa mga anak.
Sa dulo ng lahat, pasalamat rin tayo sa mga nagsakripisyo upang makamtan natin ang inaasam-asam na "double-pay" at pangarap ng magandang bukas para sa ating pamilya.
Hanggang dito na lang po. Maraming salamat at magandang araw sa lahat.
*Shoutout to @bearone for the HivepH Badge. Thanks!