Naaalala ko lang noong unang pasok ko dito, para akong batang hindi alam ang kaliwa't kanan kaya ang ending nagkanda ligaw ligaw . Nainis din sa sarili kasi ang tamad kong aralin pero naghahangad pa ng maganda. Tinakbuhan ko nga, na pinagsisihan ko lang sa huli. Kala ko nga di na ako babalik pero salamat pa rin at nakabalik. At ngayon, pursigido na at may baon ng goals na sinusubukan pa ring abutin. Mahigit isang buwan palang ang nakakaraan pero sobrang saya kong nag iikot ikot pa rin hanggang ngayon. At magpapatuloy yan para walang tigil ang pagpasok ng bagong kaalaman.
EXPLORE the Platform!
Ano ba ang tamang gawin kung nasa isang unfamiliar ka na lugar? Aralin, kabisaduhin, mag laan ng oras para sa sunod na mag lalakad lakad hindi na maligaw. Nagsimula ako sa wala pero ngayo'y para ng manggang hitik na sa bunga. Hindi to mangyayari syempre kung ginawa ko'y tumunganga at maghintay lang ng biyaya. Inaalam ko ang dapat alamin at ng sa tingin ko'y sapat na ang aral na nagawa ko, gumawa ulit ako ng panibagong hakbang. Hindi sapat ang RC ko kaya ginawa ko'y nag power up. Hindi rin to madali dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan. Pero di ako nawalan ng pag-asa, ginawa ko'y nag search ako kay Mr. Google. Salamat sa kanya nakita ko ang article ni technocrypton. Kung gusto may paraan, pag ayaw may dahilan, at dahil gusto kong matuto, gumawa ako ng paraan.
CONNECT with Others!
Maiba namang magsisimula ka sa Hive na walang ibang audience diba? E-imagine mo ngang nasa entablado ka at kumakanta, tapos nong natapos ka'y ni isa'y walang pumalakpak. Kaya ang ginawa ko gumalaw ako, pinaalam ko sa lahat na "Heto ako" nag iikot ikot para makabisa lang ang pasikot sikot at para malaman kung tama ba ang aking ginagawa. Kinakawayan ang ilang madadaanan at nag iiwan ng ilang linya na maaaring umagaw sa pansin nila. Hindi ako nabigo, unti unti followers ko'y lumago. Tuwang tuwa nga ako nong makita kong bente kwatro na sila. Sulit nga ang paggala gala, dahil don nagkaroon ako ng connection sa iba. Ang saya ko lang, tunay yan. Pinag patuloy ko yan at ang resulta'y kainaman naman. Hindi tayo lalago kung walang interaction na magaganap. Kaya, arat at magkalat ng kagandahan!
Visit COMMUNITIES
Sa pagpapakalat ko mandin ng lagim ee kung saan saan ako napadpad. Kada may mababasang bago eh lagi kong kini-click yong Communities na pinag pasahan ng article nila. Sa kagaganon ko mandin eh nahanap ko din yong mga communities na tingin ko'y pasok sa topic na gusto ko. Di ako nagdalawang isip, Join agad ako. Anong una kong ginawa? Syempre yong nakaagaw sa pansin ko. Magbasa ng Description at ng Rules, napaka importante nyan kaibigan. Kung ayaw mong ma Mute ugaliing magbasa. Hindi yan nilagay sa unahan para lang ipang display, nilagay yan dyan para yan ang unang basahin. Sa pagbabasa mo niyan malalaman kung tama paba ang ginagawa mo, may nilalabag kabang batas o wala. Madali lang naman diba? Di naman ganon kahirap kaya malamang magagawa nyo rin. Nagawa nga ng iba tayo pa kaya.
ENJOY!!
Sa ganitong paraan ako nag simula at kita nyo naman enjoy na enjoy na ako dito. Maaaring inaabot ng katamaran at kawalang gana minsan kapag di napapansin ang gawa ko pero pinpalipas ko lang yang ganyang pakiramdam tapos tuloy na ulit. Kakalimutan ko muna ang reward at gagawa ako ng artikulo ng mula sa puso at base sa experience ko. Di kailangang kumuha ng gawa ng iba, di kailangang magpaka isip ng todo kung anong isusulat mo dahil yong experience mo lang sa buhay pwd ng mapag usapan yan, kung handa kalang ibahagi sa iba Travel experience na may kasamang maraming litrato? Welcome yan dito. Weekend Experience at Wednesday Walk, basahin mo ang rules at description nila kasi malamang pwd ka dito. Enjoy-in mo lang, eenjoy kasama ang mga bagong kakilala mo dito, sa'min, sa'kin, basta dito.
Nong nag desisyon akong bumalik pursigido akong aralin lahat. Nagsimula ulit pero ngayo'y sisiguraduhin ng magtatagumpay. Sa pag iikot ikot ko dito nakahanap ako ng inspirasyon na ituloy ang nasimulan. Ito ang mas nagtulak sakin na pagbutihin ang ginagawa. Kabado pa nong una pero sa huli'y nagawa ko rin naman. Sa pag eexplore ko sa Hive ang dami kong natutunan. Sa pagbabasa basa lang yan at sa pakikinig sa payo ng ilan. Basta gusto mo, magagawan naman ng paraan yan. Mahirap, pero walang mahirap sa taong mapamaraan. Wag purong Juwa ang paglaanan mo ng oras kaibigan, subukan mo ring aralin si Hive panigurado di ka bibiguin nyan.
THANK YOUR FOR READING!!
August 16, 2022
©️Credit to @hiveph for my Lead Image Logo