Pakikisama. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging mabait, marunong makisama o makipag kapwa tao para sa ikagaganda ng relasyon sa iba o sa taga ibang lahi. Ni hindi ka mahihiyang makipag usap dahil lagi silang may nakahandang ngiti. Yong tipong may iniinda ng sakit, pero handa kapa ring salubungin at harapin ng may ngiti. Yong tadtad na ng problema pero mahihiya nalang ang problema sa kanila sa sobrang lapad ng ngiti.
Tutulong kapag kaya at di ka tatalikuran basta may maiimbag sila para sa ikabubuti mo. Handang manindigan sa iyo sa oras ng kagipitan at kailangan mo ng karamay. Aabutan kapa ng kamay, kapag wala kanang makapitan. At hihilahin ka paangat para sabay na aabutin ang magandang kinabukasan. Walang perpektong Pilipino pero kapag kailangan na ng pagkakaisa, kapit bisig naming gagawin yan, walang pagdadalawang isip.
At ito ang gusto kong dalhin dito sa Hive. Hindi lamang sa kapwa ko Pilipino na kakilala. Kundi sa ibang lahi na katulad ko ay iisang daan lang ang tinatahak. Na may pagkakaiba man ng kultura at paniniwala, pag dating sa Hive Blockchain ay may iisa pa ring layunin. At yon ay ang mag hasik ng lagim, biro lang. Ang ibig king sabihin ay iisa ang layunin at yon ay ang maibahagi ang kanya kanyang kultura, kaalaman, mga iba't ibat pagkain at kung ano ano pa.
Iisa lang naman ang tinatahak nating daan. Bakit di natin sabayan ang iba para naman mas maging masaya. Mas marami mas mabuti at sabay sabay nating abutin ang tuktok ng Hive World. Sama samang lalago kasabay ang ibang lahi. Sa ating pakikisama sa kanila, yong nag iisa tayong pumasok sa pintuan ng Hive pero sa kalagitnaan ng adventure nakahanap tayo ng mabubuting kaibigan. Diba ang saya? Yong dating nag iisa, umabot na sa sampu at nagsasaya.
Sa ilang linggo kong pananatili dito, maswerte akong nakahanap ng bagong mga kakilala. Tumulong, gumabay, hanggang sa isa na rin ako sa nag gagabay sa mga bagong salta. Yong pakikisamang nag bunga ng maganda at pati ako nakikinabang na. Yong hindi lang ako masaya, kundi pati sila. Pilipino yan y'all. Yong di na muna iisipin ang lamangan basta pare parehas na umuusad. Yong hindi lang iisa ang may narating, kundi lahat.
Pakikisama. Sa una mahirap gawin pero kapag nakabisa mo na at bihasa kana kusa nalang lilitaw sayo. Yong di mo namamalayan sa lahat ng tao ang bait bait mo. Kapag may nakasalubong kang bago dito tapos nagtanong sila kusang loob mong ilalahad ang kamay mo. Yong kusang magbibigay ng tulong dahil napag daanan mo rin ang ganon nong nangangapa ka palang na parang bagong silang na pato.
Pakikisama. Walang halong ka plastikan pero masaya akong napunta sa Hive dahil sa mga mababait na mentor na handang tumulong doon sa mga bago. Na kahit may kanya kanyang ginagawa nag lalaan pa din talaga ng oras, dahil alam nila at napag daanan nila ang hirap kapag nagsisimula palang. Yong inihain na na samin ang lahat at isusubo nalang. Ang saya lang talaga napunta ako sa tamang tao. Mali, napunta ako sa tamang grupo.
Salamat sa Pagbabasa.
August 05, 2022