Manananggal
Panulat at Ilustrasyon ni Jon Jun F. Ignacio
Silang mga nagkukunwaring paniki
May pakpak, may pangil, na naniniktik
Isak doon wari'y malapit
Isak dito'y mabilis mahagip
Bakit katawan niya'y nahahati?
Mabigat kaya ang bandang ilalim?
Hindi! Sadyang paa'y walang silbi sa himpapawid
Mabuti nga at may lilingunin sa pagbalik!
Sa hati nito'y gumagalaw-galaw ang bituka
Tulog ang mga binti, kuko, at talampakan
Kalaban ay asin kapag naibudbod na
Sa sugat nito'y sunog pati kaluluwa
Dinadakma ng mga pakpak niya ang hanging puwersado
Dila kung humaba'y walang hinto, walang dulo
Sa bubong kumakaluskos hindi pusa ito
Isang nilalang na kalaban ng mga nagdadalantao
As part of my plan to publish a book entitled "PAGASPAS NG MGA KANLURANING DIWA: Ang Mitolohiya ng Pilipinas sa Anyong Patula" I am proud to present my first poem. More poems are coming!