Kamusta po ang lahat sa tagal din ng pananatili ko dito sa Hive ngayon lang po ako mag babahagi ng tagalog. Dahil na rin po sa bugso at bigat ng damdamin ko. Para sa mga kapwa ko magulang ko dito sa hive ama, ina, anak anu pong nararamdaman nyo kung anak nyo ay mapag bintangan? Hindi lang isa, dalawa, maraming beses na din masakit diba po? Pero mas masakit yung kahit hindi nila ginawa sila pa din ang sinisisi. Mas makakaya ko pa na ako nalang ehh wag na mga anak ko. At mas naging mas masakit pa pala sa tatay nila dahil nagawa nito sa pangalawang beses ang hindi ko ule inaashaan.
Ito po yung pinagmulan, baka may nasabi akong hindi maganda. Dahil pag ka tapos ng pag uusap namen ng pamankin ko biglang tumawag ang bienan ko babae. Maganda pa ang pagbati ko skanya yun pala ay galit na ito. Bakit raw ako ganun ako magsalita! Hindi po ako kumikibo, hindi ko rin pinatayan ng telepono. Nakabukas ito pero naka tahimik lamang, ng hindi ko marinig ang mga sinabi niya. Tumawag ako agad sa bahay sa tapat para itanung yung anak ko at kung anu dala nito dahil kako sabi ng lola nya kinuha nya yung yabi Ang sabi nila wala raw nagpa hangin raw ito ng bike. Sabi din ng ate niya aanhin raw ni Depdep yun, maraming yabi ang papa nila. Biglang tumawag sakin si Dencio yung may ari ng yabi sabi boii, hayaan nyo nalang yun para yabi lng raw kawawa raw yung bata. Yun pala ay galing si Depdep don at ang ate nya para magtanong.
Wala na ako balak sabihin sa asawa ko yung mga sinabi sakin ng mama nya at ayuko na din sana papuntanhin c Depdep doon. Pero pag uwi ng papa nila, inutusan sila mag punta doon para bumili ng itik. Sabi ko Mahal, wag mo na papuntanhin C Depdep doon at napapagbintanggan kako sya. Nagalit lang ito at sabi tuminag na nga raw sila magkapatid. Pag balik nila kinatay na ng asawa ko yung itik tas maya maya tumawag ang lola nya sa ate ni Depdep. At ang sabi anak, andyan ba si Depdep? Opo la, paki tignan mo nga sa bewang baka kinuha yung vape ni tito Rap mo nagagalit na at nawawala nga raw. Ang asawa ko ang sumagot naku ina hindi kukuhain ni Depdep yun. Ahh cge na tas nakita ko sumimangot anak ko saakin tas tuloy nalang kami sa ginagawa namen. Nalaman ko rin na madami palang tao doon dahil kasalukuyang ginagawa yung bahay nila. Masakit talaga anak ko binintang kahit may ibang tao doon.
Pero maya maya nag chat naman yung kapatid ng asawa ko at ayan nga po sa itaas. Deadma nalang ule ang asawa ko ganun naman tlaga dapat diba po, napag usapan nalang din namen na hindi na papuntanhin si Depdep doon pero....
Ayan ang pag uusap nag mag pinsan bago yung usapan na yan habang kumakain kami tumawag bigla sa tapat ng bahay namen ang lola nila. Ni silip hindi ko na makuha dahil nadala na ako nung tumawag sya sakin nun.
Nakita ko muka ng anak ko naawa napo akong agad lalu nung magka chat sila magpinsan. Sa akin lamang bakit kailangan nilang dalin doon yung ganun kalaking halaga. Kinabukasn tumawag ang lola nya para magkausap sila. Sabi ng anak ko ayaw na nya pumunta doon pero wala sya magagawa, sabi nya irerecord nya yung mga sasabihin raw sakanya. Halata ko napo agad na dala na siya at takot wala lang syang magawa.
Pag alis nya natakot ako nagalala ako napa myday nalang ako gusto ko magsabi sa iba pero may tinatago kasing lihim yung pinsan ng anak ko. Buntis po siya at sa susunod ipapaliwanag kopo ang laht.
Gusto ko sya samahan pero natakot napo talaga ako iba ang pakiramdam pag nanliliit ka na sa sarili mo. Chaka may tiwala ako sa anak ko dahil wala naman talaga kaming ginawang masama. Umiyak ako habang tinext ko ang aking anak
Yung kapatid ng asawa ko walang kaalam alam na buntis ang pamankin nya si (Yell). Doon sya nakatira sa mga lola nya dahil maaga sya iniwan ng mama nito 3 buwan pa lamang. Naging paboritong apo rin ito kaya naging pasaway ito at may ugaling hindi maganda. Yung tita nila na yun ay nasa ibang bansa at hindi sila magkasundo talaga. My panahon na nagkasgutan na sila.
Napanatag na ako pagkatpos ko makita ang aking anak, tinanung ko sya kung anu sinabi sa kanya. Ang sabi kung sya raw ang kumuha nung pera ibalik nalang raw at wala naman raw makaka alam. Hindi nalang raw sya kumibo pero nabanggit din raw ule si Depdep. Sya pa rin raw ang kumuha nung vape sabi konalang raw ay hayaan nalang natin sila. Alam ng Dyos ang totoo.
Nitong sabado maganda ang mood ng aking asawa sumasayaw pa ito habang nag patugtog kami. Bakas Sa mata nya ang pagod puyat pero msaya sya makita kami. Pero biglang nagbago pagkatapos nya mabasa yung paguusap nung dalawa. Inutusan nya kasing pumunta doon si Yana bigla kaming nagkatanginan at sabi namen ayaw na nya pumunta doon kasi pati sya pinag bibintangan. Nagalit syang bigla at pinuntahan ang bahay mg mga magulang nya. Sinundan ito ng anak namen narinig at nakita na may hawak itong kahoy at sinigaw lagi nalang
Pagkauwi nya sa bahay pinatwagan nya ang kapatid nya at narinig ko ang mga sinabi niya. Hello Rap! Nagwala ako sa kabila sinira ko yung mga gamit doon, lahat nalang ng gamit doon na mawawala samin sinisisi sa mga anak ko. Yung bike ko binebenta ng anak ko mapalitn lang yung vape mo. Umiyak nako Ng tuluyan dahil hindi ko alam yun. Huli na sinabi ni Depdep na pagka luwas ng papa nya sa Maynila hinirang sya ng lola nya at pinag sabihan malikot ang kamay. Ilabas nalang raw yunv vape hindi nalang raw sya kumibo Nawawala yung 12k kay Yana sinisisi buntis si Mariel ahh. Nakakaawa mga anak ko umiiyak sakin ayaw na mag punta doon. Ikaw na matutuwa nun?
💔💔