Ang pag-aaral ay napaka-importante sa bawat mag-aaral. Ito ay isang karapatan na dapat ang bawat bata ay makapagtapos ng elementarya at hayskul. Ito ay tungkulin ng mga magulang na paaralin at bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak hanggang makapagtapos ng sekondarya. Ito ay hindi madaling tungkulin na basta-basta na lang iasa na lang sa mga bata kung hindi kayang gampanan ng magulang. Kung magkaganon, maraming bata ang hindi kayang lampasan ang ganitong uri ng pagsubok. Kaya maraming mga kabataan ngayon ay nagiging batang ama at ina na rin. Nakakalungkot, peru marami talagang nangyayari sa ngayon.
Bilang nakakatanda sa mga kabataan na nasa elementarya at sekondarya, and ating kaalaman na taglay ay dapat lang na ibahagi kanila sapagkat sila ang pag-asa nang ating bansa ika nga ni Dr. Jose Rizal. Dapat turuan ng magagandang asal upang hindi malihis sa maling landas. Dapat din silang hikayatin na mag-aral nang mabuti sa hirap ng buhay ngayon at sikaping makapagtapos hanggang sa kolehiyo. Pagsabihan na ang pag-aasawa nang maaga ay magdudulot nang matindng sakripisyo sa kanilang buhay.
Ang bawat mag-aaral ngayon ay sadyang napaka swerte sapagkat ang pribilihiyo na makapagtapos ng kolehiyo ay abot kamay na lamang! Bakit kaya? Ito ay sa kadahilanan sa pagkakaroon ng maraming pampublikong paaralan sa elementarya, sekondarya at kolehiyo. Pagdating sa kolehiyo, maraming mga iskolarship na pweding aplayan upang matugunan ang bawat pangangailangan. Marami na rin silang "choices of school" kung saan sila gustong mag-aral na mas malapit sa kani-kanilang baryo komapra noong kapanahunan.
Kung nuon ay malaking hadlang ang pagiging mahirap at kulang sa pinansyal na aspeto kaya karamihan sa ating mga magulang ay hindi nakapagtapos sa kanilang pag-aaral ngunit ngayon hindi na natin masisisi ang bawat magulang kung ang kanilang mga anak ay hindi makapagtapos sa pag-aaral sa kadahilanan na ibinigay na lahat sa ating mga kabataan ang oportunidad sa maginhawang kinabukasan. Ito ay nakasalalay sa ating mga mag-aral kung paano nila haharapin na may tibay ang hamon ng buhay. Kung sakaling walang pera ang magulang, maraming mga trabaho ang kayang pasukan mapagsabay man lang ang kagustuhang makapagtapos sa pag-aaral.
Kagaya na lamang ng mga fast food chain na tumatanggap ng mga part timers upang matustusan ang pag-aaral. Maraming BPO companies na rin ang tumatanggap nang hayskul gradweyt hanggat kaya maipasa mo ang kanilang kwalipikasyon maisasabay mo ang iyong pag-aaral at trabaho. Kaya, sa lahat nang mga magulang at mag-aaral na narito sa platform na ito lahat ay posible sa taong may determinisayong magtagumpay sa buhay!
Kung gusto ay may paraan kung ayaw ay may dahilan! Kaya sa ating mga kabataan, sikaping matuto, mag pursige at makilahok sa silid ng buhay nang may pag-asa, pagmamahal, at pag-una sa lahat. Huwag kalimutan ang mga magulang na sila rin ang may malaking bahagi sa iyong tagumpay sa hinaharap. Magpasalamat at manalangin sa Maykapal na isakatuparan ang munting hiling.
Maraming salamat po sa iyong pagbabasa. Sa ngayon, ay hindi pa handa ang silil na aralan na ito dahil hindi pa kumpleto ang mga upuan ang mga bata. Kung sakiling gusto niyong mag donate pwedi rin naman. Ikinalulugod po naming tanggapin ang iyong kabutihang loob para sa mga munting bata. Pagpalain po kayo nang Poong Maykapal.