
Intro
Hindi purong Tagalog, ngunit "Taglish" na magkahalong Tagalog at English ang pamamaraan ng pagsusulat sa post na ito. Susubukan ko rin na mas kolokyal at makabago ang mga salita para naman mas mabilis maintindihan. Simulan na natin...
Kalayaan
"π΅Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan...πΆπΆπΆ"
Kalayaan, bukod sa kasama ito sa lyrics ng kantang Minsan ng Eraserheads, isa rin itong kontrobersyal na salita na nagtulak sa ating mga ninuno upang mag aklas laban sa mga dayuhan. Na nagtulak sa mga kababaihan na kumawala sa abusadong relasyon at sa mga kabataan upang magrebelde sa mahigpit at makalumang pagpapalaki sa kanila ng mga magulang.
Kalayaan, pangalan ng isang kalye sa Metro Manila na sikat sa trapik at mabagal na usad ng sasakyan na tila ba sinasabing dahan-dahan lang, makakarating rin tayo sa paroroonan.
Kulungang walang dingding...
Mayroon din namang mga hindi makawala sa walang tigil at paikot-ikot na kahirapan. Isang uri ng kulungan na pwede nating matakasan gamit ang sipag at talino sa trabaho at negosyo. Sakali mang makalabas tayo sa kulungang ito ay maaari na nating tawagin ang sarili na mayroong financial freedom.
Marahil ay nakikita na ninyo ang pinatutunguhan ng blog na ito. Na iba't-iba ang uri ng kulungan na pumipigil sa atin na gawin ang mga bagay-bagay na gusto nating marating sa ating buhay.
Idagdag pa natin ang kamangmangan na mahirap makita sa sarili; higit pa sa simpleng kakulangan sa kaalaman, ito ang malalim na karunungang nagmula sa kaibuturan ng ating pagkatao.
Tulad ni Gat Jose Rizal at Supremo Andres Bonifacio, na ipinanganak sa mga dukhang magulang. Hindi importante ang iyong pinagmulan sa ganitong kalagayan. Mas mahalaga ang tuloy-tuloy na pagbabasa at pag-aaral at pagmumuni-muni sa mga pagkakamali na nararanasan natin sa buhay.
Sa kaso ni Rizal ay ginamit niya ang pribilehiyo ng pamilya upang magawa ang mga bagay na hindi basta-basta magagawa ng mga ordinaryong tao. Lihis sa mga kagaya niyang ipinanganak sa pribilehiyo, ginamit niya ang pagkakataon upang makatulong sa mga kababayan bilang doktor, na nanggagamot ng katawan. Sa kabilang banda, nagsulat din siya ng mga nobela na ang layunin ay palayain ang bayan; gamot sa sakit ng bansa noong panahong nila - ang kolonyalismo.
Conclusion
Iba't-ibang kalagayan ang maaari nating sabihin na walang kalayaan. Kadalasan, ang tinutuloy na kalayaan tuwing Hunyo 12 ay ang kalayaan ng bansa. Sa aking palagay, mahalagang gunitain natin ito, pag aralan, pagmuni-munihan, isabuhay. Karamihann sa atin ay hindi nabuhay sa panahon na limitado ang mga kalayaang nararanasan. Kaya naman hindi natin alam kung anong uri ng lipunan ang walang kalayaan. Kaya naman mas mahalaga na maintindihan natin at pahalagahan ito, hangga't may panahon pa. Hangga't hindi pa huli ang lahat.
Kaya naman kinakailangan nating palayain ang ating kaisipan sa mga bagay na pumipigil sa atin na maging malaya. Na pumipigil sa atin na maging maayos ang buhay. Na pumipigil sa atin na maging masagana. Marahil ay alam mo na kung anu-ano ang mga bagay na tinutukoy ko, kailangan mo na lang humakbang patungo sa iyong #kalayaan.
Hanggang dito na lang ang aking blog para sa araw na ito. Maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa. Nawa'y may natutunan ka at kahit kaunti ay na entertain sa akin sinulat.
Hanggang sa muli.
@juanvegetarian
*p.s. Para bukas pa sana ang blog post na ito kaya lang ay natapos ko na ngayon so iba na lang ang aking ilalathala bukas. π
*I used this Canva Template-1, which I edited and used on this post. Please check it out if you are interested.