Diko akalain na magiging suki din ako nang mga online shopping app na nauso noon pa. Sa totoo lang, habang ang mga tao ay enjoy na enjoy sa pag online buying, ako naman ay busy sa mga anime o korean drama, at dahil wala naman akong gaanong kailangan at saka kung may mabibilhan naman sa malapit, bakit pa mag oonline shopping diga? At saka sa totoo lang talaga, dati ay dudang duda ako sa mga online shopping app na yan ay, di ako naniniwala na legit ito.
Pero, nong time naman na na experience ko na din, napatunayan ko naman na legit pala siya. Dahil diyan Gold Member na din ako, parang si @lhes gold member na din, uwu. Yong subok na paggamit lang nitong shoppee ay naging permanente na nga, lol. Sa totoo lang kasi, laki din nang matitipid kapag online ka bumili. Yon ngang mga tissue na binebenta nang pagkamahal mahal sa grocery store, sa shoppee, may 1 pack kana na may lamang 8 tissue, nasa 99 PHP lang price. Diba laking tipid?
At saka, lucky us kasi wala pa naman kaming naeencounter na problem sa pag oonline shopping namin katulad nong mga nababalita sa TV, na tulad nong nag order nang laptop, bato ang dumating. Ang laking scam non, grabidad. Ito din ang rason bakit di ako nag oorder nang may nalalakiny presyo na gamit online. Takot din akonh madatnan nang bato if halimbawa bumili ako nang cellphone, lol.
Anyways, sa tanong na "Ikacancel mo ba ang iyong order online kung may error ang seller?" Sa'kin, depende siguro sa kung anong uri nang error ito. Kapag naman katanggap tanggap at valid naman ang rason, syempre di ako maga cancel. Di rin naman minsan miiwasan ang magka error talaga lalo pag dating sa online shopping, so far ang naeencounter ko palang na error sa pagshoppinh online ay yong kapag walang galaw yong parcel ko kahit pa maaaga namang na ship ni seller.
Siguro naibagna nalang sa kung saan yong parcel kaya di agad na ship sa sumunod na delivery hub. Pero yon lang naman, wala nang iba. Naga cancel lang talaga ako nang order online kapag nakahanap ako nang mas mura at magandang item sa ibang shop o kaya naman kapag namali ako nang pick, halimbawa pagdating sa kulay nong item. Pero, kapag talaga sa tingin ko ay di katanggap tanggap yong "error" na yan nang seller, or yong parang sinadya pa, cacancel ko yarn. Eh ikaw ba?