Mabilis lamang natapos ang ikalawang Linggo, kumpara sa mga nakaraang prompts ay masasabi ko na mas marami ang nakilahok sa ating mga prompts na sinaggest na isulat.
Dahil narin sa tayo ay mas maraming nagpost ay mas lumaki din ang diperensya ng kailangan na idistribute sa mga kahalok ang 5 Hive at 162.50 na Ecency points ay hinati-hati sa mga sumusunod na tao.
Hive User | Numero ng Entry | Hive Reward | Ecency Reward |
---|---|---|---|
@lolodens | 3 | 1.666666667 | 54.16666667 |
@juanvegetarian | 3 | 1.666666667 | 54.16666667 |
@artgirl | 2 | 0.8333333333 | 27.08333333 |
@jonalyn2020 | 1 | 0.4166666667 | 13.54166667 |
@fixyetbroken | 1 | 0.4166666667 | 13.54166667 |
Sa ngayon ay masasabi ko na malaki na ang naging improvement ng ating mga numero bagama't parang kaunti ay umaasa parin tayo na sa mga susunod na panahon ay mas dumami pa ang magsusulat sa wikang Tagalog at mas maging diverse pa ang mga content na malilikha dito.
Ano ang tingin nyo sa tula? Maganda kayang magkaroon ng patimpalak ukol dito? O kaya naman ay art contest ngunit ang magiging hurado ay hindi taga Hive para hindi bias ang panghuhusga?
Nag-iisip pa ako kung paano pa tayo mas magiging aktibo sa platform na ito at sympre kailangan ko parin ng tulong mula sa inyo. Mas marami ay mas mainam. Suggest kayo ng pakulo at tignan natin kung uubra para naman may iba tayong aktibidades dito sa platform.
Kung mahirap parin ang prompts nugagawen?
Hanap ka lang ng hindi mahirap. Hindi dahil sa wala kang makitang madali ay hindi ka na magsusulat subukan mo gawin kahit once a day lang sa pag ha Hive tapos the rest comment ka nalang sa ibang post mga ganun. Depende talaga sa trip mo din yan. Basta magkaroon ka ng activity sa chain.
Upgrading ng Member Roles
Leave lang kayo ng comment kung gusto nyo i pa-change ang status ninyo as members. Yung mga regular na posters, pinapalitan ko na agad ang role din. Pag gusto nyo ng personalized na name pwede naman basta ilagay nyo lang kung ano para ma change ko.
P.S. nag opt si Ruffa para sa mga rewards para mag give way sa mga sasali. Clap clap sa kanya for being so supportive talaga.