
Patapos na ang linggo at ang karamihan sa atin ay unti-unti nang nagbabalik sa kaniya-kaniyang regular na gawain.
Ngayong linggo, dahil buwan parin ng pagibig naisipan ko na ang unang patimpalak sa paglulunsad nang TagalogTrail na komunidad ay patungkol sa pag-ibig.
Mangyari lamang na ipost ang iyong akda sa TagalogTrail na komunidad para mapasama sa aking pagpipilian. Simple lang ang alituntunin nang komunidad na ito kaya pakiusap sundin para hindi ako mag-mute ng Hiver.
Mga alintuntunin
- Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
- Ipost sa TagalogTrail na komunidad
- Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.
Mula sa tambyolo ng mga prompts mangyari lamang na pumili ng isang paksa.
Ano ang kulay ng pag-ibig?
Sinasabi ng iba na ang kulay ng pag-ibig ay pula ngunit para sa iyo at kung ikaw ang papipiliin ano ang nararapat na kulay nito? Itim ba, puti, asul o luntian. Baka naman bahaghari? Kahit anong kulay pa iyan mangyari lamang na bigyan mo nang pakihulugan.
Isang araw na nagpahinga si Kupido.
Dahil sa napagod si Kupido ngayong linggo, naisipan nya na bigyan ka ng kaniyang mahiwagang palaso na kapag ginamit mo ikaw ay mamahalin ng taong iyong napili. Ang tanong kanino mo ito gagamitin?
Mahal mo o mahal ka?
Isa sa pinaka mahirap na sagutin na tanong na madalas ay gumagambala sa isipan ng mga tao sino ang pipiliin mo mahal mo o mahal ka?
Premyo
5 Hive sa Kampeon
3 Hive sa Unang Karangalan
2 Hive sa Ikalawang Karangalan
Ang patimpalak ay mag-uumpisa nang Biyernes alas dose ng madaling araw at magtatapos nang araw ng Huwebes nang madaling araw.
Kung may tanong kayo, mag iwan lamang ng komento.