Sa’n nga ba tayo nag-umpisa?
Sa isang wrong sent na mensahe
Mensahe na para sa isang babae
Babae na ang tipo ay hindi lalake
Hindi naman ako titibo-tibo
Humahanga lang sa kagandahang totoo
Ngunit nang makilala ka’y nagbago
Ang pananaw ko sa buhay bilang isang tao
Ang maling mensahe’y napalitan
Ng araw-araw na kamustahan
Hanggang gabi ay nagkukulitan
Hanggang ito’y nauwi sa pagliligawan
No’ng una kala ko’y isa lang itong laro
Ngunit ikaw pala’y hindi nagbibiro
Tumungin ka sa mata ko ng diretso
Sabay sambit na ako’y mahal mo
Pilit man itinago ang nararamdaman
Magpanggap hangga’t kinakailangan
Ngunit di mapigil pagtibok nitong puso
Pagkat nabihag mo ng matamis na pagsuyo
Larawan mula sa Google
Salamat po sa pagbasa...
Nawa’y naibigan nyo ang gawa kong tula ❤️ para sa #hugotcontest ni Bb. @lhyn
https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab