Magandang gabi mga kabayan at mga kahugot!
Pagpasensyahan na po ninyo ang medyo huli naming anunsyo sa mga nanalo, kami po ay nahirapan sa pag-jujudge ng mga entries. Mula sa 3 hurado lamang ito ay umabot ng lima para lang mapagtibay ang aming mga paghatol. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumali sa aming munting patimpalak at sa taos puso ninyong pagpapa-unlak nito.
At hindi na po namin papatagalin ang inyong pananabik, ito na po ang bumubuo ng Top 3
Top 3 | Steemit Name | Hugot Title |
---|---|---|
King of Hugot | @oscargabat | HUGOT contest -10SBDs Up For Grab! Entry #1 |
1st Place | @romeskie | Hugot - Listahan |
2nd Place | @sheshebaylosis | HUGOT CONTEST - ENTRY : Pochero Ala Sheshe with Feelings. |
At dahil marami po kaming nagustuhan, nagdagdag po kami ng ilang consolation prizes, ito po ay ang naipon namin sa una naming post tungkol sa patimpalak na ito, pagpasensyahan na po ninyo ang aming nakayanan:
Steemit Name | Hugot Title |
---|---|
@iamdeth | Ang hugot ko |
@ishanvirtue | My Entry for HUGOT CONTEST By: @lhyn |
@emdesan | Hugot Contest: Hahanapin Mo Din Ako |
@fotografia101 | Hugot Blues - Hugot Contest |
Marami pa po kaming nagustuhan subalit hindi lahat ng mga criteria at instructions ay nasunod sa kanilang mga isinumiteng entries. Pero maraming-maraming salamat po ulit kabayan.
At kung gusto ninyo pong basahin lahat ng entries pumunta lang po kayo dito.
At dahil sa magandang feedback mula sa inyo at sa iba pa, asahan ninyo po ang aming pagbabalik, kami po ay babalik para sa Part 2! At kung may mga suhestyon po kayo sa klase ng patimpalak na gusto ninyong salihan sa susunod isulat lamang po ninyo sa baba nitong post na to at amin pong idudulog sa buong myembro ng aming grupo.
Muli maraming-maraming salamat po kabayan! Hanggang sa susunod! Lubos na gumagalang, @pingcess, @arrliinn at @lhyn
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, @qurator, @jerrybanfield, @blocktrades and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to https://steemit.com/~witnesses