Bago ko simulan, kilala nyo ba yung babae sa showtime? Yung nanalo sa the funny one? Ako kasi di ko kilala, char! Haha! De, gusto ko sanang isipin niyo na sya yung nagsasalita habang binabasa 'to. :)
Ako nga pala si maganda!
Oo maganda, kaso minsan tanga.
Minsan na akong umibig eh,
Bakit? Kasi sobrang gwapo niya.
Maginoo siya, tapos palabiro pa.
Di ko nga malimutan noong unang ngiti nya..
Naglalakad ako noon, muntik nga akong masubsob pa!
Inabangan ko ang lagapak ng mukha ko sa lupa..
Kaso di natuloy, kasi ako'y sinalo niya..
Ate mo'y kinilig! Aba eh, pabebe pa ba?
Sa mata mo'y napa-nganga, ang haba ng pilikmata,
Yung ilong mong matangos, nahiya tuloy akong huminga.
Ibababa ko palang ang tingin ko..
Sa mapupulang labi mo aba!
Bigla mo akong binitawan ayon, ate mo'y natumba!
Sabi ng tatay 'di ka daw gwapo..
Sabi naman ng inay lalong 'di maginoo!
Pero huwag kang mag-alala, 'di ako papatalo
Walang makaka bago ng pagmamahal ko sayo.
Pagkat itong puso ko ay alay lang sayo..
Noong niyaya mo akong lumabas, sabi mo'y isama ko si Ana
"Oh diba!" sabi ko sa inay "Tunay na maginoo siya,"
"Kasi'y kung hindi panigurado ako lang magisa!"
Habang tayo'y naglalakad, ako'y lageng natatawa
Sa mga biro mo kay Ana, nakakakilig talaga!
Huminto ka pa noon at bumili ng tsokolateng sorbetes,
Lumapit ka sa akin dala ang nahihiyang ngiti.
Ayaw ko nang ika'y mahirapan kaya't ako na ang lumapit
Sabi ko'y "Akin ba iyan?" na may ngiting pilit.
Inabot mo naman sa akin na tila nag aalinlangan,
Kaya't ibinulong ko sayo'y "Ano ka ba, Okey lang yan!"
Sa daan pauwi, hiningi mo akin numero
Di na ako nag isip, agad ibinigay ko
Sabi mo pa nga'y ang pabor ang imemensahe mo
Nung malapit na sa bahay kinilig nanaman ako,
"Sanay mapagbigyan mo ako" huling mensahe mo.
'Di ako makatulog kakahintay sa iyo,
Kay tagal mo namang mag padala ng sasabihin mo?
Siguro'y nahihiya? O sobra ang kaba mo?
Palagay mo kaya ikaw ay ayaw ko?
Wag kang mag-alala! Oo ang sagot ko!
Ako'y patulog na, nang tumunog ang telepono
Nagmamadali kong binuksan, ikaw na kaya ito?
Ako'y naguluhan sa sumunod na sinabi mo
Akala mo kaya ay Ana ang pangalan ko?
"Si Ana ay gusto ko, matutulungan ko ba ako?"
Sinagot kitang agad, "Huy si Maganda to"
Bakit kaya ganon? Mali ba ang pakilala ko?
Akala nya ba'y Ana talaga ngalan ko?
Hay nako si naman, mukhang di naintindihan sinabi ko.
"Akala mo ba'y Ana pangalan ko? Okey lang 'yon!
Wag ka mahiya naiintindihan ko," sunod na mensahe ko.
Nakatulugan ko na nga eh! Yung pag hihintay ko non?
Tapos pag gising ko, sana pumikit nalang ako!
Agad kong binuksan, nag iisang mensahe mo
"Mahal ko si Ana, tulungan mo naman ako..
Alam kong di ikaw si Ana, kasi si Ana ang mahal ko.."
Bigla akong napaisip sa mga pangyayaring naganap,
Bakit mga lalaki'y sadyang mapagpanggap!
Sinalo nya ako nung ako'y babagsak!
Binigyan ng sorbetes at ngiti'y laging tumpak
Tapos kapag nahulog ka na, saka ka ilalagpak.
Bakit kayo ganyan, di iniisip na may masasaktan?
Wag na sanang magpakitang mayroon, kahit wala naman.
Nakakasakit kayo, di manlang nag aalinlangan!
Ngiti at pahiwatig wag nyo nang ipaabot kung ganyan.
Dahil kaming mga babae'y hindi naman laruan..
Ang love talaga ay parang sugal.
Minsan talo, minsan panalo.
May oras na tiba-tiba, minsan naman bawi lang.
Pero alam mo kung ano ang masakit?
Yung akala mong panalo ka na,
Tapos ipamumukha sayo wala naman pala.
Kaya ngayong tag init na? Di ko na kelangan ng aircon!
Lovelife ko palang ang lamig lamig na eh!
Here is the link of the contest if you want to join. :)
Thank you for dropping by!
~ Yhien