Kamusta?
Magandang araw nga pala kaibigan, ako nga pala ang Author ng page na ito at nais kong gumawa ng mga kwento tungkol sa mga naging karanasan ko dito sa mundo ng crypto na kung saan ay naging panguhahin ko nang pinagkukunan ng aking ikinabubuhay.
Nais ko sanang mag kwento sa isang impormal na paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang aking mga ideya at nang sa ganun ay mapalawig din ang kaalaman ng aking mga kababayan sa usaping "Cryptocurrency" kahit sa maliit lang na paraan.
Sa ngayon, wala akong normal na trabaho tulad ng mga nasa kapareho kong edad, wala din akong natapos kung kaya't nahihirapan akong makapag-hanap ni-isa kung kaya't iginugol ko na ang aking oras sa paghahanap ng mapagkikita-an dito sa internet, lalong lalo na sa crypto. Natutunan ko na dito kung paano gumagana ang marketing, ang epekto ng ekonomiya sa pandaigdigang merkado, politics, iba't ibang business model na maaaring click sa masa na makapag-papagaan ng ating buhay, teknolohiya na naglalayong tulungan tayo, at ang kung papaano kumita ng pera sa pamamagitan ng internet.
Nais ko sanang maghandog ng mga kwentong kapupulutan ng aral na mula sa aking mga karanasan at mga natutunan dito sa mundo ng crypto. Muli, inaanyayahan ko kayo sa aking mga kwentong crypto at sanay samahan nyo ako sa pagtuklas nitong bagong teknolohiya na maaari nating pagkakitaan at magamit sa araw-araw na pamumuhay.