Sa Letrang |A|, nagsimula ang Abakada,
Sa Letrang |K|, ewan, di ko na alam kung papaano itugma
Sa Letrang |O|, sinimulan sa matatamis mong pagsuyo,Ngunit nasa Huli naman nang salitang “tayO”
"A.K.O", ganito nalang ba palagi ang estorya ko?Yung dadalhin ka sa masasayang Ulap,
Ngunit iiwan ka kapag may paparating na bagyo.
Yung, sasamahan ka sa pagtungo,
Pero mag-isa ka nalang pagdating sa Dulo.
Mahirap panindigan pero ito, at ganito "Ako"
Palaging napupunta sa sitwasyong di' alam kung sa'n patutungo
Palaging naiiwan pero di parin sumusuko,
Nakukuha paring ngumiti, kahit puso'y nagDUROGo.
Ngumingiti, pinipilit magpatuloy, at inaayos ang mga bagay sa aking mundo
Pinipilit magpatuloy at itugma ang mga salitang nabuo dahil sa Huli Ako lang at "AKO".
Wala nang iba, at sana wala nang Drama
Paalala lang sa taong nais magpakilala
Kung Iiwan at susuko din naman kayo, wa'g na!
Huwag na kayong magtangkang sak'tan ulit
"AKO" Nakikiusap na wa'g nyo na sanang durugin ang wasak na puso, Na mag-isa ko lang nabuo...
Nasanay na sana akong ganito, pero nakakasawa naNakakasawa ng magkaro'n nang kasiyahang panandalian
Nakakasawa nang sa Ere nalang laging naiiwan
Ako, Sanay' nang mag-isa
Mag-isa sa Apat na sulok na ito.
Kasama ang ballpen at papel na handang makinig sa mga Drama koHandang makinig nang walang panghuhusga at Malayang nailalabas ang laman nang pusong nagdurusa
Ako, Oo...AKO! At ito lang naman ang walang kwentang kwento ko
Salamat sa pakikinig at pagbabasa nito
Kahit ang bawat taludtod ay Gulong-gulo
Kasing Gulo nang bagyo, bagyong ang sarili rin naman ang Ginugulo
|A|K|O| Huwag nang mag-alala kaya ko na ang sarili ko, Kakayaning Lumipad,
kakayaning bumangun Upang ang Sugat ay maghilom
Salamat sa mga Ngiting bigay mo,
Kaya ko na ang Sarili ko.*