"Botohan"
Isang tula patungkol sa nalalapit na eleksiyon

Panahon na naman ng botohan
Lahat na nama'y naghahanda sa kampanyahan
Mga plataporma nila'y pinaghahandaan
Sila'y mga naglalakad para lang ika'y makamayan
Lahat sila'y magsisipagpangako
Ang iba'y tinutupad naman ang layon
Ngunit karamiha'y napapako
Kumbaga'y ibaon na lang ito sa limot
Kung boboto ay piliing mabuti
Kilalanin ng higit para hindi magsisi
Pumili ng may malasakit sa bayan
At hindi yung gusto lang ay ang kapangyarihan

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca