Nuong high school ako, happiness ko talaga ang pumunta sa isang bookstore. Oo, totoo ito, nagiipon ako ng pera para kapag minsan isama ako ng magulang ko sa pamimili sa Divisoria ay dumaan kami sa isang stall ng National Bookstore para makabili ako ng mga libro sa paborito kong mga paksa. Ano kamong tema ng mga libro ko? Mistisismo, paranormal at patungkol sa relihiyon.
Ngayon, kahit may pambili na ako ng mga aklat na ganito, nakakalungkot na naging tindahan na lamang ng school and office supplies ang NBS. Kumonti na lang talaga ang mga nagbabasa ng pisikal na libro, at lahat ay nasa internet na.
Ikaw, katulad din ba kita?