Ang aking amang haligi ng tahanan
Nagtatrabaho't nagkakayod ng lubusan
Ngunit ang pag-aaruga samin ay hindi nakakalimutan
kaya kanyang pagmamahal nais naming suklian
Ang aming amang sa amin bumuhay
Laging nandyan at nakaagapay
Hindi malilimutan kanyang gabay
Ikaw ang unang lalaking nasilayan
At unang lalaking naging kaibigan
Unang lalaking minahal ako ng tunay
Pinahalagahan at inalagaan ng higit pa sa kanyang buhay
Salamat sa regalong bigay ng Diyos Ama
Isang mabuting ama't mapagmahal na asawa
Magandang lalaki ang panlabas na itsura
at mabuting budhi ang sa puso'y nakatala
aking tulang sa iyo ay inilaan
iyo sanang tanggapin at magustuhan.