
Sa bawat paglubog ng araw ay isang katapusan.
Ngunit sa bawat sikat naman nito ay isang panibagong simulang hindi natin inaasahan.
Parang panahon na sa bawat paglipas ay pagdating ng panibago.
Pagkawala ng tag-lamig. At pag-usbong ng mga bulaklak at mga makukulay na talulot nito.
Lakad ng Pag Asa na ating sinimulan.
Ngayon ay nagkakaroon na ng malaking kahulugan.
Nakakatawang isiping parang imposible.
Pero heto tayo ngayon sinusuri ng bawat detalye.
Unang kabanata ng proyektong itinalaga.
Mga Kawayan sa Bayawan. Ikaw ang unang likha.
Mga Alagad ng Sining ay handang handa na.
Imahinasyon ay kanila nang pinagana.

Sa bawat tunog ng instrumentong dala.
Sa bawat kumpas ng kamay para lumikha.
Sa bawat ngiti ng bawat taong tinuruan nila.
Binuhay ang natatagong pagkamalikhain sa bawat isa.
Sa Bayawan ay unti unti silang nakilala.
Inikot ang buong bayan kasama ang Sining nila.
Adhikain ng proyekto ay pinaliwanag nila.
Pagkawanggawa ng walang kapalit.
Kontribusyon lang nang mamamayan ng hindi pinipilit.
Ito ang tunay na simula nang makabuluhang pagkakawanggawa.
Mahika ng Sining ay sadyang makapangyarihan talaga.
Walang hangganan ang mga ideyang naibibigay niya.
At nasisiguro kong hindi lang dito nagtatapos.
Dahil mga Alagad nito'y hinding hindi mauubos.
At hangga't may mga taong handang magsakripisyo ng walang kapalit.
Lakad ng Pag-asa'y magpapatuloy hanggang nariyan sila't pabalikbalik.
Disclaimer: photo by Ian Abalos, graphics by @bearone
This poem was sent to me by @pengrojas earlier today for me to post while she's at work, she is one of our @walkofhope Family. Having written another poem last month for our project here, her intention is for her post to earn and support our project. She have agreed though for the payouts' 50% to go to her and 50% to our @walkofhope account as we are raising for art materials/snacks for the kids that are participating.
For the FREE ART WORKSHOP in Bayawan City, we have 9 days left to completion. Apologies for our English-speaking friends as this poem is in Filipino. Just like French, translating the Filipino language to English will lose its' charm, most especially for poems.
Disclaimer: Top image courtesy of @flabbergast-art
Some @walkofhope posts for anyone to check our project further:
a-walk-of-hope-lakad-ng-pag-asa by @flabbergast-art
ein-weg-der-hoffnung-lakad-ng-pag-asa by @pjmisa
une-marche-d-espoir-lakad-ng-pag-asa-par-flabbergast-art by @pjmisa
walk-of-hope-a-boy-s-travel by @pengrojas
