basahin nyo muna ito bago ang tulang nasa ibaba
Sa tuwing magbabakasyon
ang gulang ko ay nadaragdagan
Isang araw ako'y nagising na lang
kumita ng pera aking kailangan
Bakasyon pero kailangan magbanat ng buto
Sa init ng araw nagtatrabaho
May mga obligasyong dapat bayaran
aking pangmatrikula, sarili ang inaasahan
Nang makapagtapos ng eskwela
Gustuhin ko mang tumambay muli sa parang at parola
Hindi maaari, pagkat sa aking pamilya
Sinasandalan ako lang walang iba
Lumipas na ang panahon ng kabataan
Nagdaan na ang mga karanasan
Ang lahat ay alaala na lang
Na masayang binabalik-balikan
Ngayon, kami ay mga magulang na
Iba na ang mga prayoridad
Wala ng baka-bakasyon, kilos na
Para sa mga anak na nagkakaedad
Ang napiling landas hindi ko naman pinagsisisihan
Iniirog na kabiyak, masayang pinagmamasdan
Sa aming tahanan ang naiwan kami na lang
Mga nagsilakihang supling may sari-sarili ng sambahayan
Lumipas pa ang maraming taon
Sa wakas ako muli ay makakapagbakasyon
Pero ngayon hindi parola o parang ang ang tatambayan
Walang balikan sa dakong payapang hihimlayan
pinagmulan