Naalaala ko noong tayo ay mag syota pa,
Sa tuwina ay magkasama, namamasyal sa luneta,
Masasayang araw na lumipas, palagi nagugunita,
Ano ang nangyari sa relasyon nating dalawa.
Umalis ka noon, at ako ay iniwan mo,
Sa ibang bansa doon ikaw ay nagtrabaho,
Bago ka umalis mayroon kang ipinagtapat,
Ang una mong sinta may bungang isiniwalat.
Huli na ang lahat ng ito'y malaman ko,
Ang pagmamahal mo pala ay hindi totoo,
Hiram na pag-ibig ang inalay mo sa akin,
Ito ba ang kapalaran na naghihintay sa atin.
Habang wala ka noon sa aking tabi,
Ako ay palaging nag-iisip at hindi mapakali,
Nagtatanong kong itutuloy ang ating relasyon,
Kahit mayroon ng nangangilangan ng iyong atensyon.
Sana nga sa pagbalik mo, ay maging tayo pa rin,
Puso ko ang nag-uutos na ikaw ay hintayin.
Ngunit ang isip ko ay hindi sumasang-ayon,
Sa gusto ng puso ko, siya ay hindi uyon,
Susundin ko ba ang damdamin o ang talino?
Ano ang dapat manaig? tulungan nyo po ako.
Salamat sa ating Diyos at nandiyan Siya palagi,
Sagot na minimithi, tama dapat ang magwagi.
Kaya ngayon tanggap ko, wala na tayong dalawa,
Ang hiram mong pag-big ay pinakawalan ko na,
Kahit na masakit isipin, ikaw ay hindi sa akin,
Alam kong may darating na tamang mahalin.
Tula galing sa puso ni @iyam
Salamat sa pagbasa!
Upvote!
Comment!
Resteem!
Love, iyam 💕