Masyadong palasak na talakayan para sa isang platapormang ang adhikain ay kagila-gilalas na mga impormasyong inilalahad sa bawat mapapadaan sa pitak na maaring ipagpunyagi kanino man.
Kaibigan
Mga tao na nakapaligid say atin upang Ang ating pagtahak sa buhay ay maging kanais-nais, kalugod-lugod at maluwalhati.
Ako'y namunay simula pagkabata ng madaming kaibigan. Marahil may mga ilang tao na naging malalpit sa akin dahil ako ay pala-kaibigan.
Lumang tugtugin masasabi na Ang ating mga tunay na kaibigan ay makikita lamang sa oras ng kagipitan, pagdadalamhati at kapag tayo ay nasa matinding pangangailangan.
Bakit ba hindi fayo maging nariyan lamang sa kanilang tabi pag sila ay nagipit? Bakit natin silang dapat iwasan o husgahan ang kanilang pagkatao dahil lamang sa kanilang pagkakamali o naiibang prinsipyo say buhay? Bakit tayo nagiging malupit bagkus tayo ay dapat na lang tumulong kung tayo mismo ay may sapat na kapabilidad na magparaya at tumulong ng walang hinihinging kapalit?
Bakit?
Tayo at may kani kaniyang prinsipyo at pag uugali. Kung ito'y salungat sa iba ay marahil it ang ugat ng hindi pag uunawaan. Ayaw natin maaapakan ang ating pagkatao say ating mga ipinaglalaban, at madami pang dahilan ngunit dapat ibukas natin ang ating mga isipan upang bigyan daan ang pag unawa sa prinsipyo ng ibang tao lalong lalo na sa mga tao na mahalaga sa ating buhay.
Ito and dapat nating isipin at isaalang-alang kapag ang ating mga kaibigan ay humingi sa atin ng pag uunawa at tulong.
Ang Tropa - salitang kalye, madalas madinig sa mga kabataan. Tol, para sa salitang utol o kapatid ang turingan.
Bhes - para sa best friend o ang turing ay matalik na kaibigan.
Bakit sila nariyan kapag mayroon silang nakikita na mapapala kapag ika'y kasama? Hindi na bago sa atin ang ganitong situwasyon ngunit dapat tayong tumugon say bawat pangangailangan ng bawat isa sa oras ng pangangailangan.
Ito'y nakita ko sa aking matalik na kaibigan. Maraming maraming salamat sa pag tulong mo sa akin na suportahan ako. Hinding hindi ko ito aabusuhin at pahahalagahan ko ang bawat araw na pinagsamahan natin.
Sa araw ng Kalayaan, ako din ay sasabay sa pagiging indipendente sa iyong pagtulong.
Kuha gamit Ang aking cp MyPhone A7 DTV. Sa Alabang Town Center, White Hat Yougurt Ice cream na tindahan.
Sumusuporta sa pagpapalaganap ng @uLog.
Iboto at tangkilikin ang saksi (witness) na si @surpassinggoogle at @steemgigs
Miyembro ng @steemitfamilyph
Sa @uLog: Tayo Ang mga sikat!
Mga karagdagang tags:
@bayanihan @steemph.laguna @tagalogtrail @steemph
#philippines #pilipino #pinoy #Filipnos
Nakikiisa sa nalalapit na ika-120-anibersaryo ng ating Kalayaan sa Pananakop ng mga Kastila.