Bakit kaya ganun sila? May mga taong mababait kapag nangungutang, daig pa nila ang maamong tuta kung mangutang. Mangangako na babayaran din agad sa ganoon araw. Kapag naman siningil mo, sasabihin sa iyo sa susunod na linggo na lang. Ikaw naman pumayag, o sige basta pagbalik ko bayaran mo na ako, si nangutang naman nangako ulit, “oo” babayaran kita.
Hay naku! Bakit sila ganon, kapag sila ang sinisingil sila pa ang matatapang, at sasabihin sa iyo, akala mo hindi ka babayaran. Mga ganon salita pa ang maririnig mo sa kanila, na akala mo ba ikaw pa, tayo na nag pautang ang masama.
Sa naranasan ko, ang hirap talaga mag-pautang, ako ang napapagod paniningil, sinabi ko na lang sa sarili ko, kung babayaran ka ng isang tao, magkukusa siya hindi ba? Sa mga taong nangutang sa akin tulong ko na lang sa inyo yan. Isa lang ang masasabi ko sa susunod na mangutang ulit kayo sa akin, alam nyong hindi na kayo makakaulit, masyado na siguro makapal ang mukha nya kung uulit pa sya kahit alam nya may utang pa siya sa akin hindi ba.
Ngayon ako naniniwala na meron forever sa mga taong hindi marunong magbayad, o walang kusang magbayad. Taas noo nyo ako makikita kapag nakasalubong nyo ako, pero kayong may utang sa akin ewan ko na lang kung may lakas ng loob pa kayong tingnan ako. Heto lang ang masasabi ko sa mga nangutang sa akin, kikitain ko pa ang perang inutang nyo sa akin, pero ang tiwala binigay ko sa inyo kailanman ay hindi na maibabalik at hinding hindi na kayo makakaulit sa akin.
#WALANGFOREVER #SAUTANGMAYFOREVER
article is written by me @elmcee1813
photo credits google.com