Matanong nga kita? Minsan ba ay nagawa mong maging masaya sa pagsunond ng kagustuhan ng ibang tao para sa iyo? Para sa ikakabuti mo daw ito. OO. Pero sa totoo lang masaya ka naman ba sa ginagawa mo?
Tanong ko lang. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ito nga ba ang para sa iyo? Malamang hindi. Kasi nga yung gusto nila ang nasusunod hindi ba? Pero minsan naisip mo ba? Paano kung nanjan lang sa tabi ang mga bagay na gusto mo pero may mga pumipigil pa din sayo.
Natatakot ka ano? Natatakot ka na baka talikuran ka ng mga taong mahalaga sa iyo pag pinili mo ang gusto at hindi ang kagustuhan nila. Natatakot kang iwan nila sa ere dahil baka sa huli malamang mong tama pala sila.
Bakit? Nasubukan mo na ba? Nasubuukan mo na bang sundin ang bagay na makakapagpasaya sa iyon at ang bagay na kinagugusto mo? Hindi pa naman diba? Bakit ka matatakot?
Sinubukan mo na bang isatinig na hindi iyon ang gusto mo? Madalas kasi kailangan mo lang ang magsalita para mapakinggan. Masyadong maingay ang mundong ito at kailangan mo lang ng lakas ng loob para marinig ang salitang pilit tinatago ng puso mo.
Susubukan mo naman di ba? Magtiwala ka lang. Makakaya mo iyan. Dahil sa unag pagkakataon magagawa mo nang sundin ang ninanais ng puso mo. Ang kasiyahan mo.
At kung magkamali ka naman ayos lang naman iyon hindi ba? Dahil kahit papaano sinubukan mo. Dahil kahit papano sinubukan mong makamit ito.
Hind ka naman magsisisi hindi ba? Hindi man matagumpay ang pagkamit mo kahit papaano alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo makamit lang ito.
Pero sigurado akong magtatagumpay ka. Dahil nagawa mong talikuran ang bagay na gusto nila para sa bagay na makakapagpasaya sayo. Isang malaking hakbang na iyon para sa pagbabago ng takbo ng buhay mo.
Dahil kagaya ng isang ibon magagawa mo din lumipad. Magagawa mo ding magkapaglakbay patungo sa lugar kung asaan kasiyahang iyon. Dahil sa likod ng nararamdamang pangamba at takot na baka mawala lang ang lahat ng pinahigrapan mo ay ang kalayaan at kasiyahan sa puso mo.
Matanong nga kita. Magagawa mo naman diba? Kaya mo yan di ba? Ako nga nagawa ko. Ikaw pa.