Ito ay hindi isang opisyal na entry. Nais lamang ng awtor na ipahayag ang kaniyang pagsuporta sa naturang paligsahan. Siya rin ang pasimuno ng patimpalak na #wordchallenge
"Pangarap"

Para makamit ang pangarap kong landas
Magubat at mabundok na daan ang aking tinahas
Sa pagtatangkang tagumpay ay lagyan ng bakas
Naging mahirap ang tangkang paglalakbay
Maraming mga suliranin akong pinagsabay
Pagod at sugapa akong nakahandusay
Ngunit nakatindig parin, ligaya ang taglay
Pamilya ang aking dedikasyon kaya tagumpay ay naabot
Pilit iwinawaksi ang kamay upang ito'y aking masundot
Ang rurok at ang aking pinakakaasam na "Pangarap"
Na kahit kapus-palad hamon ng buhay ay tinanggap
Aking tanaw na ang tuktok ng "Pangarap"
Abot-kamay ngunit kailangan pa ng yakap
Yakap ng gabay ng Panginoong Diyos Maykapal
Ang "Pangarap" maangkin na di magtatagal

Maraming Salamat sa Pagsubaybay at Paglahok sa #Wordchallenge!
May panibago na naman tayong patimpalak. Nasa ikasampung edisyon na ang ating naturang paligsahan. Kung nais ninyong mapunta sa opisyal na pag anunsyo sa paligsahan, narito ang link :
Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Tagalog Edition
