orihinal na komposisyon ni @joco0820
Isa, isang kanta ang hinding hindi ko makakalimutan
Ang unang musikang aking napakinggan
Naging paborito ng aking tenga kahit hindi ko naiintindihan
Sonata habang akoy iyong iniindayog sa uyog ng duyan
Dalawa, natatandaan ko pa, dalawang araw ng ako'y ipinanganak
Sabik kang isayaw ako sa iyang masinsinang pag indak
kantahan habang ang kamay ng orasan hayaang pumatak
At yun ang unang pagsayaw natin sa akin ay nakatatak
Tatlo, apat, tatlong hakbang pasulong apat na hakbang paurong
Hakbang na pinipilit ng iyong paang sa pagsasayaw ay hindi marunong
Nakahiga samantalang ang ulo koy nakatungtong sa balikat mong mayabong
Mapatahan lang sa pag iyak habang akoy sinusumpong
Lima, limang taon ang mabilis na dumaan
Ang pagsayaw sa akin ay hindi ko na nararanasan
Bakit kailangan humantong sa ganitong kapalaran
Tay, iyon naba ang huling sayaw na aking matitikman?
Anim, anim na araw kang nakalupaypay
Sa kama ng hospital ikaw ay nakalatay
Ang dating masayahing mata ngayon ay biglang pumungay
Mga brasong dati ang kisig ngayon ay tumamlay
Pito, sa ikapitong araw mo, nagdesisyon ka nang magpahinga
Ayaw ko sana ngunit ayaw ko nakitang mas nahihirapan ka
Sa pagkakataong iyon ang sakit lang talaga
Makitang mawala ang tatay mo at wala ka man lang magawa
Walo, walong taon na nga pala ang nagdaan
Nang ikaw ay pumanaw at kami ay iyong iniwan
Hindi parin mabakas sa aking mangmang na kaisipan
Ang iyong pagpanaw ay isang malaking kawalan
Siyam, bilang ng taon ang dumaan pero hindi ko parin mawaglit
Ang huling sayaw nating dalawa noong ako ay paslit
Tay? ang huling sayaw natin pwede bang maulit
At wag pahintoin ang kanta ng pagpanaw moy di sinapit
Sampu, sampung taon o ilan man ang dumaan
Akoy naghihintay na huling sayaw natin ay masundan
Magtutugtog nang walang katapusang katahan
Ng ang Huling Sayaw ay hindi maging tutuhanan
Magandang umaga po sa ating lahat. Ito po pala ang akda ko sa patimpalak na ito. Maraming salamat uli @jassennessaj sa patimpalak na ito.