Makalumang Harana
Orihinal na komposisyon ni @joco0820
Sarap namang balikan nung nanliligaw ka pa
Dudungaw sa bintana kahit umagang umaga
Tinitignan ka habang tugtug ang iyong gitara
Kahit sa makabagong panahon nanghaharana ka
Araw-araw iba't ibang kanta ang inaalay mo
Botong-boto sayo ang nanay at tatay ko
Pati mga kapatid koy sinasabing maswerte ako
Habang ako? Heto, kinikilig lang naman sayo
Kinikilig habang gitara moy iyong kinakaskas
Kinikilig sa bawat salitang iyong binibigkas
Ikaw ay sinagot at panliligaw moy nabigyang wakas
Sa sayang nadama gitara moy muntik mong mahampas
Parating may dalang pasalubong tuwing bumibisita ka
Tumumulong sa pag iigib ng tubig para mapuno ang timba
Tutumulong sa pagsisibak para sa hapunan natin mamaya
Pamamaran moy iba, parang makalumang pag aasawa
Ngunit akala ko ay iba ka, mali pala ang aking akala
Ako ay iyong nabuntis at bigla ka nalang nawala
Umalis at di na nagpakita, naglaho na parang bula
Tamis ng iyong makalumang harana ay walang napala
Labis ang aking pagkalungkot at akoy iyong niloko
Puso koy nakabigkis parin sa iyong mga pangako
Nakakulong ang sarili ko sa tamis ng iyong kanta
Sanay di ako nadala, di nala sa iyong makalumang harana
Ang sarap naman talagang balikan ang sinaunang pamamaraan na panliligaw ng isang lalaki sa kanyang sinisinta. Ang tulang ito ay ang akdang inilalakahok Word Poetry Challenge # 4 ni @jassennessaj. Maraming salamat po!
Ako nga po pala si @joco0820
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW