Nang ika'y aking makilala
Buhay ko ay nag-iba
Masasayang mga araw at mga alaala
Sayaw sa musika ng tadhana
Mag- kasama sa hirap at ginhawa
Pag ibig nating pinagsalo
Ang siyang katuparan ng pangako
Tayo ay saksi sa huling sayaw ng ating mga ninunu
At sa ating huling sayaw
Tayo ay nangako, at nag sumpaan
Sa kaibuturan ng ating mga puso
Wagas na pagmamahal at huling sayaw ng buhay tanging alay ko
Sa ating huling sayaw ng buhay
Nais kong ika'y dalhin sa pook na tayo lamang
Balikan ating masasayang alaala
Nais kong hawakan iyong mga kamay boung araw
Hagkan, halikan iyong mga labi
Habang sumasayaw sa huling sayaw ng ating buhay
Huling sayaw na kung saan aking nanamnamin, hanggang ako'y nabubuhay
Huling sayaw na siyang mag bibigay pag asa na ika'y makakasama balang araw.
Larawang ginamit ay nagmula sa Pixabay Free image