"Pagsubok"
Isang maliit at walang boses na nilalang, mahirap at madalas malinlang. Minsan gusto ko nalang sumuko, sumuko sa paraang alam ko.
Mga desisyon hindi malaman kung tama ba, mga solusyon sa suliranin hindi alam kung makakaya. Ating buhay minsan may batid na problima, mga daang tinatahak hindi alam saan papunta.
Ang "pagsubok" sa buhay ay ibinibigay, dahil ang paniniwala na ang maykapal ay palaging nasa ating puso. Sinasambit minsan ng ating puso ako, bakit ganito ngunit batid naman na makakasagot.
Maraming hadlang sa bawat daraanan, ngunit sarili ang makaaalpas kung ating kalooban ay tatatagan. Nadarapa, nasusugatan, at ang bakas hindi naiibsan. "Pagsubok" sa buhay ay hindi malalampasan kung hindi lalabanan.
Kaya nating lagpasan bawat bakong daraanan, sapagkat tayo ay nilalang ng maykapal sa mistulang dahilan. "Pagsubok" sa ating buhay ay ibinigay dahil kaya ito, kaya nating suungin ang bawat baha na kaagibat nito, kaya nating lagpasan ang bawat** "pagsubok"** sa ating buhay.
Maraming salamat po!!
@chrismadcboy2016