Naaalala ko pa yung panahon na sumapit
Sa sayawan ika'y labis na nainggit
Ako'y nalungkot at sayo'y lumapit
"Inay sayaw tayo" aking sambit
Kahit hindi marunong ay pinipilit
Malamig niyang hawak sa akin nagpapainit
Waring hakbang sa sahig umaawit
Makasayaw lang si inay ay para nang langit
Ngunit andaya, hindi ko alam kung bakit
Parang sa mukha ni inay siya'y pumipiit
Sa balikat ko kamay niya'y hindi na kumapit
Bumagsak siya at mata'y habang buhay nang nakapikit
Sa mga panahong iyon walang mapadsidlan ang hinanakit
Bagkos nagpakatatag ako imahe niya'y sa isip idinidikit
Pagmamahal mo ay sa aking buhay naka-ukit
Huling sayaw mo, sa mundo'y walang kapalit
Ito po pala ang kauna unahang entry na nagawa ko didto sa steemit sa worldchallenge ni @jassennessaj .Nawa'y magustuhan niyo po